CHO-Dagupan, nag-iinspeksyon sa pinagkukunan ng tubig sa mga paaralan

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, nag-inspeksyon narin ang City Health Office ng Dagupan sa pinagkukunan ng tubig sa mga paaralan sa lungsod.

Layunin nito na matiyak at ligtas sa mga bakterya ang tubig mula sa poso o deep well na karaniwang meron ang mga paaralan

Ayon kay Dra. Windy Bernardo, tagapag-salita ng CHO Dagupan, trabaho ng kanilang Sanitation Office na imonitor ang mga paaralan na gumagamit ng poso.

Kasabay nito, ipinapayo ng CHO sa pamunuan ng paaraalan at mga estudyante na huwag inumin ang tubig na mula sa poso lalot nadiskobre na ilan sa mga ito ay nagpositibo sa E-Coli Bacteria.

Target ng CHO na matapos ang water inspection sa tatlumpot walong pampubliko paaralan sa elementarya at sekondarya bago magbukas ang klase sa darating na Hunyo a-trese.

Speak Your Mind

*