Cincinnati Zoo, muling binuksan sa publiko

Maaari na muling masilayan ng mga turista ang Cincinnati Zoo sa Cincinnati, Ohio.

Ito ay matapos na pansamantalang isara noong nakaraang linggo ang Zoo dahil sa insidente ng pagkahulog ng isang tatlong taong gulang na bata sa kulungan ng mga gorilya na naging dahilan naman para kitilin ang buhay ng gorilyang si Harambe.

Ayon sa Zoo Owner na dinoble nila ang mga harang para hindi na maulit pa ang naturang insidente.

Binuksan ang naturang Zoo, isang araw matapos na magdesisyon ang Hamilton County Prosecutor’s Office na hindi na sampahan ng kaso ang ina ng naturang bata.

Samantala, nagsagawa na rin ng double-checking ang Association of Zoos and Aquariums para matiyak na hindi bibigay ang 42 pulgadang taas na harang.

Speak Your Mind

*