Citizen’s Arrest na panawagan ni Duterte kontra drug lords, hindi madaling gawin

Nagpaalala ang University of the Philippines Office of Legal Aid na hindi pwedeng ang Citizen’s Arrest nang walang lehitimong search o arrest warrant.

Base ito sa panawagan ni President-Elect Rodrigo Duterte na citizen’s arrest laban sa mga drug lords.

Ayon kay UP-Office of Legal Aid Director Professor Rowena Daroy-Morales, kailangan muna ng warrant of arrest o search warrant para maisagawa ang citizen’s arrest.

Maliban na lang aniya kung huli sa aktong ginawa ang krimen.

Bagaman nanawagan ng pakikiisa sa nais ni Duterte, nagpaalala si Morales na hindi ito ang panahon ng pagiging hero o pagsu-suplong ng mga hinihinalang tulak ng droga.

Ipinunto rin ni Morales na malaki ang pabuya para sa mga makakahuli ng drug lords dahil sa hindi naman umano ganoon kadali itong gawin.

Speak Your Mind

*