Cleveland Cavaliers, umaasang makakabawi sa game 3 ng NBA final series

Umaasa naman si Cleveland Cavaliers Head Coach Tyronn Lue na magagawa nilang makabawi sa game 3 ng NBA Finals series matapos ang magkasunod na pagkatalo sa Golden State Warriors kahapon.

Aniya, bagama’t lamang na sa series ang Warriors hindi naman aniya pinanghihinaan ng loob ang kanilang koponan.

Sisikapin aniya nilang mas maging matatag sa susunod na laban para mapigilan nila ang game plan ng defending champion.

Hindi naman ikina-iila ni Lue na nasupresa sila sa naging laro ng Warriors na naging dahilan ng kanilang pagkatalo.

Kaugnay nito, hindi naman sinisisi ni Lebron James ang kanyang teammate sa kanilang pagkatalo.

Bagkus, sinabi nito na dapat na maging magaling sila sa lahat ng aspeto para manalo laban sa Warriors

Speak Your Mind

*