Comelec, nagpaalala sa mga kandidato na maghain na ng kanilang SOCE

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato para sa pagsusumite nila ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa panayam ng DZRD Sonshine radio Kay Atty. Joel Ginez, Comelec Supervisor ng Pangasinan, sinabi nitong sa Hunyo a-otso, miyerkules, ang deadline ng paghahain ng SOCE ng mga kumandidato nanalo o natalo noong nakaraang eleksyon.

Nagbabala rin si Ginez sa mga hindi makakapagsumite sa kakaharaping penalties.

Inaasahan naman ni Ginez na dadagsa ang magsusumite ng SOCE sa huling araw o deadline lalo na ang mga nanalong kandidato dahil sa Memoradum of Agreement sa Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi sila maaaring makaupo sa puwesto.

Speak Your Mind

*