Comelec-Pangasinan, ipinaalala sa mga kumandidato ang pagsusumitte ng SOCE

Muling nagpaalala ng Comission on Election o Comelec sa mga kumandidato sa katatapos lang na election 2016 noong Mayo a-nuebe na magsumitte na ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ito’y dahil apat pa lamang mula sa apatnaput walong kumandidato sa probinsya sa posisyong gobernador, bise governador at bokal ang nakapagsusumite ng soce.

Ayon kay Atty. Joel Ginez, Comelec Supervisor ng Pangasinan, lahat ng kumandidato, natalo o nanalo ay kailangang magsumitte ng kanilang COSE upang maiwasan na maharap sa ilang paglabag.

Iginiit ni Ginez na posibleng hindi makaupo sa puwesto ang mga nanalong kandidato habang ang mga natalo naman ay posibleng madisqualified sa susunod na halalan sakaling silay muling kumandidato.

Samantala, magtatapos na sa Hunyo a-otso ang palugit sa pagsusumitte ng SOCE.

Speak Your Mind

*