Comelec, sisimulan na ang pag-o-audit ng mga isinumiteng SOCE

Dapat ay maghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures ang mga kandidato – nanalo man o natalo.

Ito ang binigyang diin ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista matapos ang deadline kahapon ng pagsusumite ng SOCE.

Dagdag pa ni Bautista, pampublikong dokumento ang SOCE at kailangang bukas sa mga gustong tumingin.

Para kay Bautista, magandang tingnan bilang basehan ang SOCE partikular sa gastusin ng mga kandidato.

Samantala, ayon naman kay Atty. Mazna Luchavez-Vergara ng Comelec Campaign Office, sisimulan na nila ang pag-o-audit ng isinumiteng SOCE ng mga kandidato.

Speak Your Mind

*