Comelec, walang nakikitang dahilan para hindi matuloy ang barangay election

Walang nakikitang dahilan ang Commission on Election o Comelec Pangasinan para hindi matuloy na nakatakdang barangay election sa darating na Oktobre ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Atty. Marino Salas, Comelec Supervisor ng Pangasinan sakabila ng ilang petisyon na ipagpaliban ito.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Salas, sinabi nito na umiiral parin sa batas na tuloy ang Barangay at SK Election ngayong taon kayat tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda.

Naniniwala naman si Salas na walang magiging epekto sa pamamaraan ng eleksyon sa bansa sakali mang mabago ng Form of Government ng bansa mula sa Presidential patungong Federal Government System.

Ang tinig ni Atty. Marino salas, comelec supervisor ng pangasinan sa panayam ng dzrd sonshine radio

Speak Your Mind

*