Comprehensive Nursing Law, vineto ni Pangulong Aquino

Bineto ni outgoing President Benigno Aquino ang Senate Bill 2720 at House Bill 6411 o Comprehensive Nursing Law  na ipinasa ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Giit ni Pangulong Aquino, hindi na kailangan ang panukalang pagtataas sa sahod ng mga nurses sa pampublikong ospital dahil sakop na sila ng Executive Order 201 series of 2016 kung saan itinaas na ang base pay ng mga entry level nurses.

Mula sa dating P228,924 ay itinaas sa P344,074 ang guaranteed annual compensation ng mga bagong nurse bukod pa ito sa iba pang benepisyo at allowances na tinatanggap sa ilalim ng Magna Carta of Public Health.

Ayon sa pangulo, makakagulo lamang sa umiiral na salary structure ng gobyerno at magdudulot ng distortion sa sahod hindi lamang ng mga medical at health care professionals kundi sa iba pang propesyon sa government service.

 

Speak Your Mind

*