Consumer ng Meralco, ikinatuwan ang pagbaba ng singil sa kuryente

Ikatutuwa ng mga consumer ang magandang balita mula sa Manila Electric Company (Meralco) dahil mababawasan na ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Ito ay bunsod ng pagbawas ng 16 centavos kada kilowatt hour sa generation charge ng kumpanya bagama’t ang transmission charge at iba pang charges ay madaragdagan naman ng 3 centavos kada kilowatt hour.

Ayon sa Meralco, sa kabuuan ang magiging pagbaba sa halaga ng kuryente ay 13 centavos kada kilowatt hour.

Nangangahulugan ito na ang kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan ay mababawasan P26 sa kanilang bill ngayong june.

Nasa P39 naman ang mababawas sa may buwanang konsumo na 300 kilowatt per hour at P52 sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt per hour.

Speak Your Mind

*