Curfew Hour at Computer Shop Ban, mahigpit nang ipapatupad sa Urdaneta

Mahigpit naring ipapatupad ang Curfew Hour at Computer Shop Ban sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan na una nang ipinasang ordinansa noong 2009.

Batay sa City Ordinance Number 0616-2009, ipapatupad ang curfew hour sa mga kabataan na nasa edad labinpito pababa mula alas dyis ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Kasama rin sa ordinansa ang pagbabawal sa mga minor de edad lalo na ang mga estudyate sa mga computer shop hanggang alas nuube ng gabi at mula alas syte ng umaga hanggang alas singko ng hapon na masasabing school hour.

Ayon kay P/Insp. Ria Tacderan, Police Information Officer ng Urdaneta Pnp na simula ngayong Hunyo a-13 kasabay sa pagbubukas ng klase ay hihigpitan na ang panghuhuli sa mga kabataan na lalabag sa nasabing ordinansa.

Samantala, epektibo narin ngayong buwan ng Hunyo ang liquir ban kung saan pagbabawalan na ang pag-inum sa pampublikong lugar at pag vi-viodeoke na may malakas ng tugtog hanggang alas dyis ng gabi.

 

Speak Your Mind

*