Curfew hour for minors, mahigpit naring ipapatupad sa lungsod ng Dagupan

Pinag-usapan na ng tatlumpot isang barangay captain sa lungsod ng Dagupan ang curfew hour for minors na ipapatupad sa pagsisimula ng klase ngayon hunyo.

Ito ang kinumpirma ni Dagupan City Councilor Atty. Joe Tamayo sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan inimbitahan siya ni ABC President Coun. Marcelino Fernandez.

Ang hakbang umano ng ordinansa ay bilang pagtugon ni Mayor Belen Fernandez sa isinusulong ni Incoming President Rodrigo Duterte na magpatupad ang lahat ng munisipalidad at lungsod ng curfew hour

Ayon pa kay Tamayo, ang unang hakbang na ginagawa ng lungsod ay ang pagbibigay babala sa mga magulang na pagbawalan ang kanilang mga anak na lumabas ng bahay mula alas-dyis ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Naniniwala naman ng mga otoridad na malaki ang maitutulong ng nasabing ordinansa sa pagpapalaki ng magulang ang kanilang mga anak.

——-

Magulang ng mga minor de edad na mahuhuling lumabag sa curfew hour, papatawan ng multa

Mahaharap sa multa ang sinumang magulang ng mga minor de edad na mahuhuling lumabag sa ipapatupad na curfew hour for minors sa lungsod ng dagupan.

Ito ang babala ni City Councilor Atty. Joe Tamayo, kasabay ng kanyang panawagan sa social media, pahayagan, panayam sa radyo, at mga ipinadalang notice sa mga barangay.

Sinabi pa ni Tamayo na kung ang isang magulang ay napatunayang nagpabaya sa kanyang anak, bibigyan ng warning sa unang paglabag, multang P300 sa ikalawang paglabag at P500 sa ikatlong paglabag.

Dagdag pa ni Tamayo na kung paulit-ulit na mahuhuli ang kanyang anak sa curfew hour ay maaari siyang sampahan ng kaso at pagkakulong.

Ngunit sakali namang walang pambayad ang isang magulang ay maaari itong patawan ng community service, sa unang pagkakataon ay papatawan ng warning, ikalwang paglabang ay tatlong araw na maglilingkod sa barangay at ikatlo ay limang araw na maglilingkod sa barangay.

 

Speak Your Mind

*