Cutting classes, mahigpit na babantay sa ilalagay na Police Assistance Desk

Mahigpit na babantayan ng Pangasinan PNP ang mga estudyante na magsasagawa ng cutting classes at mga school bullying sa pagbubukas ng klase.

Ito ang inihayag ni P/Supt. Jackie Candelario, Information Officer at Deputy Provincial Director for Operation sa Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum.

Sinabi ni Candelario na kabilang ito sa babantayan nila sa ilalagay na police assistance desk sa mga paaralan, kasama na ang mga pagmamasid sa siguridad ng paaralan.

Maliban dito, magkakaroon din ng inisyatibo ang mga Chief of Police na magsagawa ng mga symposium sa paaralan gaya ng mga isyu sa teenage pregnancy, at crimes involving illegal drugs.

Speak Your Mind

*