Dagdag-bawas sa presyo mga produktong petrolyo, ipinatupad na ngayong araw

Simula ngayong alas sais ng umaga ay magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Kabilang dito ang Shell, PTT Philippines, Sea Oil at Phoenix Petroleum na magtataas ng kinse sentimo sa kada litro ng diesel.

Habang kinse sentimong bawas naman sa kada litro ng gasolina.

Una nang nagtaas kaninang alas dose uno ng hatinggabi ng kinse sentimo sa kada litro ng diesel ang Flying V at Eastern Petroleum.

Habang magbabawas naman ito ng kinse sentimo sa kada litro ng gasolina.

Inaasahan na magpapatupad din ng price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis.

Ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ay batay sa paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Speak Your Mind

*