Dagdag sahod ng mga manggagawa sa Region 1, pinag-uusapan na

Pinaplano na ang pagtaas sa minimum wages o pagbibigay ng umento sa sahod ng mga manggagawa sa rehiyong uno.

Ito ang inihayag ni Salvador “Ed” Poserio, President ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kaugnay sa isinagawang public hearing sa Dagupan City na dinaluhan ng mahigit isan daang business owner at employer sa rehiyon.

Sinabi rin ni Poserio na tinalakay rin ang mga isyu gaya nang may kakayahan na ba ang mga namumuhunan na tugunan ang pagbibigay ng umento sa sahod.

Naglabas narin aniya ng datos ang NEDA kung saan sinasabi rito ang mga economic indicators gaya ng inflation rate, poverty threshold, regional gross domestic product, at cost of living upang ibatay kung napapanahon na ang umento sa sahod.

Nabatid na noong nakarang Hulyo 2015 pa huling nagpatupad ng minimum wage increase sa mga manggagawa, kung saan P14 ang idinagdag kayat mula sa P227 ay P253 pa lang ang sinusunod ng mininum wage sa rehiyon.

Ang tinig ni Salvador “Ed” Poserio, President ng Employers Confederation Of The Philippines (ECOP) Region 1

Speak Your Mind

*