Dagupan City PNP, handa na sa pagbibigay siguridad sa mga paaralan

Nakahanda na ang Dagupan City PNP sa pagbibigay siguridad sa mga paaralan sa syudad kasabay sa pagbubukas ng klase sa darating na lunes, Hunyo a-trese.

Ayon kay P/Supt. Chistopher Abrahano, chief of police ng Dagupan PNP, nag-ikot na ang pulisya sa ibat-ibang paaralan sa lungsod kasabay sa isinagawang Brigada Eskwela ng Deped nitong nakaraang linggo.

Nakita na umano nila ang mga posibleng pagmulan nang panganib sa mga estudyante, kabilang na ang kawalan ng security guard ng paaralan at kawalan ng CCTV Camera.

Dahil dito, ipinapayo ng Dagupan PNP sa pamunuan ng paaralan na palitan ng bagong lock ang pintuan ng silid aralan at ang pagkakabit ng CCTV para mabigyang siguridad ang mga paaralan.

Speak Your Mind

*