Dental health bus, at ibat-ibang medical equipment, ipinamahagi sa Pangasinan

Nabiyayaan ng isang dental health bus at mga health and medical equipment ang lalawigan ng pangasinan ng Department of Health (DOH) at isang grupo mula sa Amerika na Bridge of Life-da Vita USA.

Ang nasabing dental bus na mayroong dalawang dental chair at ilang instrumento nang dental care ay isasailamin sa pamumuno ni Provincial Health Offcier Dr. Ana de Guzman.

Sinabi naman ni de Guzman na prayoridad na gagamit ng dental health bus ang mga dentist na nakatalaga sa labing apat Provincial Government Hospital kabilang na ang district at community hospital.

Samantala, ang Provincial Social Welfare and Development Office ang naatasang mamili ng mga beneficiaries mula sa ibat-ibang provincial, district at community hospital na kanilang irerekomenda sa PHO para sa 863 wheelchair, 42 units ng infant weighing scale, at 12 units ng binocular microscopes.

Speak Your Mind

*