Deped, iginiit ang kahandaan sa full implementation ng K-12

Binigyang diin ni Education Secretary Armin Luistro ang kahandaan ng bansa para sa full implementation ng K to 12 program.

Aniya, sapat naman ang bilang ng classroom para sa incoming grade eleven students.

Bago matapos ang 2016, nasa animnapu’t anim na libong silid-aralan ang magagamit na para sa senior high school.

Dagdag pa ni Luistro, hindi na rasonable pa kung ipapatigil ang K to 12 gayong limang taon na itong pinaghahandaan.

Magkakaroon din aniya ng malawakang hiring ng mga guro para sa grade 12 sa susunod na taon.

Matatandaang kahapon ay sinabi ng Kabataan Partylist na mas marami ang magiging dropouts sa ilalim ng K to 12 dahil sa kakulangan sa pera at sa pasilidad.

Speak Your Mind

*