Diarrhea outbreak, idineklara sa lalawigan ng Samar

Nagdeklara na ng Diarrhea Outbreak ang Provincial Health Office (PHO) ng Samar.

Ito ay matapos na umabot sa isang libo at isandaan tatlumpu’t pito ang kaso na kanilang naitala.

Dalawampu naman sa bilang ng naturang kaso ay namatay na.

Sa ngayon, nakipagpulong na ang mga opisyal ng Provincial Office sa mga rural health unit para sa dapat gawin upnag hindi na tumaas pa ang bilang ng kaso ng diarrhea.

Base sa datos ng PHO, ito na ang may pinaka-mataas na bilang ng kaso ng diarrhea na naitala sa buong probinsya sa nakalipas na limang taon.

Speak Your Mind

*