Disaster Emergency Warning System ng DOST, ikinabit na sa Pangasinan

Malaki ang maitutulong ng mga ikinabit ng Disaster Emergency Warning System ng Department of Science and Technology (DOST) sa tatlong lugar sa Pangasinan sakaling may tumamang tsunami sa coastal area ng lalawigan.

Ayon kay Arnold Santos, Senior Research Scientist ng DOST Satellite Office sa urDaneta City, ang nasabing mga device ay ikinabit sa Alaminos City, Bani at Bolinao na magagamit bilang water-level sensor.

Maliban dito, napapakinabangan narin umano ng mga MDRRMO ang inilunsad na Project Noah Website ng DOST kung saan makikita rito ang eksaktongĀ  lagay ng panahon.

Nagagamit din umano ang Disaster Emergency Warning System sa nagmomonitor sa level ng tubig sa Agno River lalo na tuwing may sama ng panahon.

 

Speak Your Mind

*