Disaster preparedness, inihahanda na ng Agno River Flood Forecasting Center

Nagsasagawa na ng flood assisment level ang Agno River Flood Forecasting Center sa mga water level reading station sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Engr. Lorenzo Diaz, Chief Meteorological Officer ng Pagasa Agno River Flood Forecasting Center, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio bilang paghahanda sa papasok na tag-ulan.

Bahagi rin aniya ito sa kanilang disaster preparedness kung saan minomonitor nila ang lahat ng water level reading station sa mga kailugan ng Agno River Basin.

Nilinaw naman ni Diaz na ang ibat-ibang water level station ay may kanya-kanyang pamantayan sa flood assisment level na bilang basihan naman sa pag-i-isyu ng flood advisory o flood bulletin.

Speak Your Mind

*