Disaster preparedness, matagal ng pinaghahandaan ng pamahalaan – PDRRMO

Matagal nang pinaghahandaan ng pamahalaan ang Disaster Risk Reduction Management hanggang sa barangay level upang matiyak ang disaster preparedness sakaling magkaroon ng matinding kalamidad.

Ito ayon kay Avenix Arenas, Spokesperson ng provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) patunay dito ang ipinasang batas na Republic Act No. 10121, o mas kilala bilang Philippine Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Act of 2010.

Sinabi pa ni Arenas na gustuhin man natin o hindi, hindi na maiiwasan ang pagtama ng kalamidad kayat ang mabuting gawin ay ang pagkakaroon ng disaster mitigation plan.

Nakatutulong rin aniya rito ang paglalagay ng mga early warning device upang mas maagang mabigyang babala ang gobyerno at publiko sakaling magkaroon ng lindol.

 

Ang tinig ni Avenix Arenas, Spokesperson ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO)

Speak Your Mind

*