Disaster Preparedness Plan ng PDRRMO, nakalatag na para sa inaasahang La Nina

Nakalatag na ang lahat ng Disaster Preparedness Plan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) kaugnay sa inaasahang pagtama ng La Nina sa bansa.

Ito’y kahit posibleng bahagya lang umano ang mararanasang pag-ulan batay sa huling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa ginanap ng KBP Forum sa lungsod ng Dagupan, sinabi ni Avenix Arenas, Spokesperson ng PDRRMO na hindi nagkukumpyansa ang Provincial Government kayat ang disaster plan, contingency plan, relief goods at medical supply ay nakalatag na para sa implementasyon nito.

Nakahanda narin umano ang mga evacuation center at mga kagamitan gaya ng tatlong aluminum rescue boat, walong fiberglass rescue boat at mga basic rescue equipment.

Ang tinig ni Avenix Arenas, Spokesperson ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.

Speak Your Mind

*