Disaster Risk Reduction Program, kasama sa ginagawang paghahanda ng Deped

Kasama sa ginagawang paghahanda sa isinasagawang “Brigada Eskwela” ng Department of Education o Deped Division Office 1 Pangasinan  ang Disaster Risk Reduction Program.

Kabilang na umano rito ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga electrical installation sa mga paaralan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Dr. Carmina Gutierrez, Chief of Education Supervisor ng Deped Pangasinan Division 1, sinabi nito na mahalaga ang pagtisipasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Brigada Eskwela dahil sa kanilang kampanya kontra sunog

Idinagdag pa ni Gutierrez, na sakali mang obligahin ang BFP na magkaroon ng fire extinguisher sa lahat ng silid aralan ay handang tumalima rito ang Deped.

Ang tinig Dr. Carmina Gutierrez, Chief of Education Supervisor ng Deped Pangasinan Division 1, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*