DOLE, magsasagawa ng job fair sa Luneta sa Araw ng Kalayaan

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, magsasagawa ang Department of Labor and Employment ng Job Fair sa Rizal Park sa Maynila.

May temang “Kalayaan 2016: Pagkakaisa, Pag-aambagan, Pagsulong” ang nasabing Job Fair na mangyayari sa Hunyo a-dose mula alas-ocho ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.

Pinapayuhan ang mga makikiisa na magdala ng mga basic requirements tulad ng resume, 2 by 2 ID picture, driver’s license, PRC license, photo copy ng training certificates, diploma  at accreditation para heavy equipment operators.

Para naman sa mga nagnanais mag-apply ng trabago abroad, magdala rin ng passport, NBI clearance, Certificate of Employment at photocopy ng NSO.

Bukod sa job fair, magiging available rin para sa mga aplikante ang mga serbisyo ng BIR, NBI, NSO, Pag-ibig, Philhealth, Postal ID, Professional Regulation Commission, SSS, Legal Service, TESDA, OWWA at Bureau of Local Employment.

Speak Your Mind

*