Double shifting ng klase, ipapatupad ng Pangasinan National High School

Magpapatupad ng double shifting ang Deped Division Office 1 sa Pangasinan National High School sa bayan ng Lingayen sa pagsisimula ng klase ngayong School Year 2016-2017.

Ito ayon kay Dr. Carmina Gutierrez, Chief of Education Supervisor ng Deped Division 1 Pangasinan kaugnay sa ikinasang contengency plan ng kagawaran dahil sa karagdagang mag-aaral sa senior high school.

Nilinaw naman ni Gutierrez na ang ipapatupad na shifting ng klase ay hindi epektibo sa mag-aaral sa senior high school kundi sa mga junior high school.

Dahil dito, apela ni Gutierrez sa mga magulang at ibang ahensya ng gobyerno na bantayan ang siguridad ng mga estudyante lalo na sa kanilang paglabas sa paaralan.

Nabatid na sakop ng Deped Division Office 1 Pangasinan ang dalawamput dalawang munisipalidad sa lalawigan na magpapatupad ng senior high school program.

Speak Your Mind

*