DPWH, inihanda na ang mga kalsada patungong paaralan

Handang handa na ang mga kalsada patungong paaralan ngayon araw Hunyo a-trese kasabay sa pagbubukas ng klase.

Ito’y dahil sa ikinasang “Oplan Balik-Eskuwela” ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi sa commitment ang ahensya na matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagpasok sa paaralan.

Ayon kay Bernardo Caronongan, Information Officer ng DPWH-Pangasinan 2nd district engineering, ang pagpipintura sa mga pedestrian lanes sa mga national at local roads ay ginawa para sa tatawiran ng mga bata sa pagpasok o pag-uwi mula sa eskwelahan

Kasama rin sa kanilang ginawang paghahanda ang pagsasayos ng mga drainage system, at cleaning and clearing operation para maiwasan ang mga pag-baha sa paaralan sa panahon ng tag-ulan.

Sakop ng DPWH-Pangasinan 2nd District Engineering Office ang mga lugar kabilang na  ang bayan ng Lingayen, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Binmaley, Urbistondo, Labrador, Basista, Mangaldan, San Jacinto, Manaoag, San Fabian at Dagupan City.

Speak Your Mind

*