Drugs related cases ng mga inmates sa BJMP Dagupan, pumalo na sa 80-90%

Pumalo na sa walumpo hanggang siyamnapung porsyento ang naitalang drugs related cases ng mga inmates sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Dagupan.

Ito ang kinumpirma ni City Jail Warden Atty. Kenneth Bid-ing sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan nagsimula itong tumaas sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Sinabi pa ni Bid-ing na karamihan sa kaso ng mga inmates ay kasalukuyan pang nililitis sa korte.

Sakali naman aniyang masentensyahan ang priso para sa rehabilation ay agad itong ililipat sa Drug Treatment and Rehabilitation Center sa Bonuan Binloc, lungsod ng Dagupan.

Nilinaw naman ng opisyal na ang mga naiiwan lang sa city jail ay ang mga tinatawag na city prisoner o may sentensya na hindi tataas sa tatlong taon.

Speak Your Mind

*