DTI, nagbabala sa mga manufacturer sa maling labeling sa school supplies

Muling nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer ng mga school supplies pagdating sa labeling ng mga produkto, partikular ang papel, lapis, eraser,

Iginiit ng DTI na kailangang pasado ito sa Food and Drug Administration (FDA) dahil sa insidente ng pagkakaroon ng mas mataas na lead content at chemicals ang produkto.

May kaukaulang umanong kaparusahan ang mga nagbebenta ng mislabeled na produkto partikular kapag napatunayan ito’y sinadya.

Bukod sa pagkakulong ng tatlong taon ay may multa pang humigit kumulang sa P400,000.

Dahil dito, payo pa rin sa mga mamimili na maging mapanuri sa pagbili ng mga kagamitan.

Speak Your Mind

*