DTI, nagpaalala sa mga negosyante sa pagbibigay ng eksaktong sukli

Nagbabala ngayong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyente ang pagbibigay ng tamang pagbibigay ng sukli sa mga consumer.

Ayon kay DTI Provincial Director Engr. Peter Mangabat, sa ilalim ng Consumer Act of the Philippine bawal ang pagbibigay ng candy sa mga consumer bilang sukli.

Kailangan aniyang tama ang sukli, at lalong hindi pwede ang pagbibigay ng candy kapalit ng panukling barya dahil labag ito sa batas na “Exact Change Act”

Sinabi pa ni Mangabat na karapatan ng mga mamimili kahit sa maliliit na grocery o sari-sari store na mabigyan ng tamang sukli, kayat paalala nito sa mga negosyante na paghandaan ang tamang panukli.

Apela naman ng DTI sa publiko na sakaling may ma-in-counter na ganitong insidente ay agad na ireklamo sa kanilang tanggapan upang agad na magawan ng aksyon.

Speak Your Mind

*