Duterte, bukas sa General Amnesty para sa paglaya ng mga political prisoner

Bukas si President-Elect Rodrigo Duterte na magdeklara ng General Amnesty para mapalaya ang mga political prisoner sa bansa.

Ito ay ayon kay National Democratic Front of the Philippine Spokesman Fidel Agcaoili.

Sa susunod na linggo naman aniya magsisimula ang initial talks ng NDFP at mga kinatawan ng incoming administration sa Oslo, Norway.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ni Agcaoili na hindi pa rin nila masisigurado na makakuwi sa bansa si Communist Party of the Phillipines Founding Chairman Jose Mari Sison.

Ito, ani Agcaoli, ay dahil posibleng makialam ang United States at ipaaresto si Sison.

Nito lamang, isinama ng U.S ang CPP-NPA-NDF na isa sa listahan ng mga teroristang grupo.

Speak Your Mind

*