Duterte, hindi na magpapainterview sa media hanggang matapos ang termino

Mukhang tuluyang nang paninindigan ni President Elect Rodrigo Roa Duterte ang pagboycott nito sa media.

Ayon kay Duterte, hindi na ito magbibigay ng press conference hanggang sa matapos ang termino nito.

Paliwanag ni Duterte para maiwasan nito ang pagkakamali, kritisismo, maling statement ay pipiliin na lamang nito ang hindi magsalita at hindi magpa interview.

Una nang sinabi ni Christopher Bong Go ang Executive Assistant ni Duterte na pansamantala munang ititigil ni Duterte ang mga press conferences upang maiwasan ang pagkamit ng pagkakamali.

Magugunitang sinabi ng Center For Media Freedom and Responsibility na sinasadya ni Duterte na iprovoke ang media para iboycott siya nito na kaniya namang pinagbigyan at kasalukuyang pinanindigan.

Speak Your Mind

*