Duterte, mas gusto ang Bitay kung ibabalik ang death penalty

Iginiit ni Incoming President Rodrigo Duterte na mas gusto niya na “Hanging” o Bitay ang gagawin sa mga kriminal kung ibabalik ang death penalty sa bansa.

Ayon kay Quezon Representative Danilo Suarez, sinabi umano ni Duterte na hindi nakakatakot ang lethal injection dahil patutulugin lamang ang mga kriminal.

Inihayag naman ni Camarines Sur Representative Rolando Andaya, na kailangan muna nilang ipatupad ang realigning sa bahagi ng 2016 budget para mabago ang lethal injection chambers ng bansa.

Matatandaan na binawi ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang pagpapatupad ng Death Penalty Law ng pumunta ito sa Vatican at nakipagkita kay Pope Benedict D’Sixtenth noong 2006.

Magugunita na bahagi ng kampanya ni Duterte ang paglaban sa krimen at korapsyon at isa sa nakikita nitong paraan ay ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan.

Speak Your Mind

*