Ejay Falcon at Yam Concepcion, may closure na sa naging relasyon

Nagkaroon na ng closure ang naging relasyon nina Ejay Falcon at Yam Concepcion nang gawin nila ang isang pelikula na handog para sa mga OFW.

Ito’y matapos magkaroon ng sensitivity workshop ang dalawa dahil hindi nila nakuha ang tamang pag-arte bunsod ng pagkakailangan.

Matatandang sa teleseryeng “Dugong Buhay” nang magkaroon ng relasyon sina Ejay at Yam ngunit hindi nagtagal dahil sa pang-iiwan daw sa ere ni Ejay

Una nang sinabi ni Yam na biglang hindi nagpakita o tumawag manlang sa kanya si Ejay kayat, maraming hugot lines ito tuwing nababanggit ang pangalan ng aktor.

Ngunit ngayon ay okay na sila dahil humingi na si Ejay ng sorry at si Yam naman ay masaya na rin sa piling ng boyfriend niya na nakabase sa Amerika.

Speak Your Mind

*