Electoral protest, pinaghahandaan ng kampo ni Sen. Marcos

Naghahanda na ang kampo ni Senador Bongbong Marcos para maghain ng Electoral Protest sa Presidential Electoral Tribunal.

Ito ang ipinahayag ni Congressman Jonathan Dela Cruz, campaign manager ni Marcos noong nakaraang eleksyon.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Dela Cruz na tinatapos na lamang nila ang pangangalap ng mga witnesses at mga dokumento kaugnay sa umanoy dayaan noong nakaraang halalan.

Tiniyak din ni Dela Cruz na maihahain nila ang protesta bago ang itinakdang deadline sa Hunyo a-benite nueve.

Magugunita na tinalo ni Representative Leni Robredo si Senador Marcos sa Vice Presidential Race nitong nakaraang eleksyon.

—–

Nakikipag-ugnayan din ang kampo ni Senador Bongbong Marcos sa grupo ni Boy Saycon na naghain ng protesta dahil sa umanoy naganap na dayaan sa lalawigan ng Quezon.

Magugunita na tatlong witness ang lumutang para magpatunay na nagkaroon ng dayaan sa ilang presinto sa Quezon noong nakaraang halalan.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ng campaign manager ni Senador Bongbong Marcos na si Representative Jonathan Dela Cruz, na inaalam nila kung may katotohanan at ebidensiya ang isiniwalat ng grupo ni saycon na posibleng magamit nila sa kanilang electoral protest.

Sinabi pa ni Dela Cruz na dalawang reklamo na ang kanilang inihain laban sa Smartmatic, ito ay ang Violation on Electoral Laws at Violation on Cybercrime Law.

Una ng hiniling sa korte ng kampo ni Marcos na magpalabas ng Hold Departure Order laban sa mga opisyal at staff ng Smartmatic para hindi makalabas ng bansa.

Speak Your Mind

*