Engr. at Tech Voc, dapat kuhaing kurso para maiwasan ang Jobs Mismatch

Ipinayo ng Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan District na upang maiwasan ang jobs mismatch dapat kuhain ang mga kursong in-demand ngayon sa trabaho.

Ayon sa Engr. Engracio Bailon, hepe ng DOLE Central Pangasinan District na lahat ng klase ng technical vocational at engineering courses gaya ng mechanical, civil, structural ay in-demand sa ibang bansa.

Ito ay dahil sa patuloy na paglago ng manufacture at construction company sa ibat-ibang panig ng mundo.

Bukod dito patok umano ang agriculture base learning dahil magkukulang na ang mga bansa sa farm technician sa kabila ng mataas ng demand sa produksyon ng pagkain.

Speak Your Mind

*