FDA, nagbabala sa publiko sa pag-bili ng mga school supplies

Mahigpit ang paalala ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga school supplies na posibleng naglalaman ng kemikal na masama sa kalusugan ng mga bata.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kay Mae Marle Koffa, Center of Cosmetics Regulation and Research ng FDA, sinabi nito na mahalaga na suriing mabuti ang produkto bago bilihin.

Kabilang na aniya rito ang patingin sa label ng produkto, dapat nasaad ang pangalan ng manufacturer, address, lead content at may nalagay na warning.

Nilinaw naman ni KOFFA na hindi basihan na ligtas ang isang produkto kung ito ay murang nabibili.

 

Kasabay nito, hinikayat naman ng FDA ang publiko na sakaling may malaman na mga produktong hindi ligtas gamitin ay agad itong idulog sa kanilang tanggapan.

———

Kontaminadong kemikal, mas peligro sa mga bata, matanda at buntis

Mas malapit sa peligro ang mga bata, matanda at mga buntis sa mga produkto na kontaminado ang anumang kemikal.

Ito ang inihayag ni Mae Marle Koffa, Center of Cosmetics Regulation and Research ng FDA, sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kayat mahalaga na mabantayan ang mga itinindang mga produkto.

Ayon pa kay Koffa, madaling maapektuhan ang kalusugan ng mga bata lalo nat marami sa mga manufacturer ang naglalagay ng kemikal sa hindi dapat para sa isang produkto.

 

Ang mga bansa sa Asya, Europa, at Estados Unidos ang malimit panggalingan ng mga produkto kontaminado ng mga kemikal na masama sa kalusugan ng tao.

Speak Your Mind

*