Fertility rate sa bansa, bumaba bunga ng implementasyon ng RH Law – Popcom

Malaki ang naitulong sa pagbaba ng fertility rate sa bansa ang implementasyon ng Reproductive Health Law na sinimulan noong abril 2014.

Ito ang kinumpirma ni Ma. Christina Martinez, Information Officer ng Commission of Population (PopCom) Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni Martinez na kung noong mga nakaraang taon ay pataas ng pataas ang datos ng fertility rate, ngunit ngayong taon ay bumababa ito dahil sa kaalaman sa family planning.

Dagdag pa rito ang pagiging accessible ng mga reproductive services, at reproductive commodities sa mga mag-asawa.

Samantala, patuloy naman umanong nangunguna ang Region 1 sa buong Pilipinas sa mahigpit na nagsusulong ng family planning sa pamamagitan ng family development session.

 

Ang tinig ni Ma. Christina Martinez, Information Officer ng Commission of Population (PopCom) Region 1

Speak Your Mind

*