Financial assistance ng DOST sa mga MSMES sa Pangasinan, nagpapatuloy

Patuloy ang financial assistance ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Arnold Santos, Senior Research Scientist (SRS) DOST Satellite Office Urdaneta City, ay sa pamamagitan ng kanilang banner program na Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP).

Ang naturang programa ay isang funding assistance sa lahat ng MSMES na gustong mag-upgrade o mag-improved ng equipment para sa kanilang negosyo.

Sinabi pa ni Santos na malaking tulong ang naturang program para sa maliit na negosyante dahil ito ay maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interest at collateral.

Samantala, bukas naman umano ang DOST na bigyang ayuda ang mga nakakadevelop ng bagong teknolohiya gaya ng Iron Fortified Rice.

Ang tinig ni Arnold Santos, Senior Research Scientist (SRS) – Officer in Charge ng DOST Satellite Office, Urdaneta City.

Speak Your Mind

*