“First 1000 days ni Baby, tampok sa “Nutrition Month Celebration ngayong taon

Kasado na ang ibat-ibang aktibidad ng Provincial Health Office (PHO) kaugnay sa selebrasyon ng “42th Nutrition Month” ngayong Hulyo na may temang “First 1000 Days ni Baby Pahalagahan para sa Malusog na Kinabukasan.”

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Analiza Miranda, Nutrition Program Manager ng PHO na ang kick-off ceremony ay sa July 4 kasabay sa flag raising sa Capitol Ground sa bayan ng Lingayen.

Nakakasa narin aniya ang “Buntis Congress” sa bayan ng Villasis sa darating na Hulyo a-trese, ang IYCT o ang Infant and Young Child Feeding Training na isasagawa sa bayan ng Umingan, Mangatarem, at Bayambang.

Hindi rin aniya mawawala ang provincewide na Simultaneous School Deworming Month.

Dagdag pa ni Miranda na katuwang ng PHO sa programang “First 1000 Days Ni Baby Pahalagahan Para sa Malusog na Kinabukasan” ang ibat-ibang health authority sa lalawigan.

Ang tinig ni Analiza Miranda, Nutrition Program Manager ng Provincial Health Office sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Comments

  1. Halimbawa ng slogan ng first 1000 days ni baby?

  2. sa wastong pagaalaga kay baby at pagdidisiplina si baby ay lalaking malusog at may mabuting ugali na naangkop sa kanyang edad

  3. paano po magawa ng poster sa 1000 days ni baby?

  4. Pano po gumawa ng tula?

  5. Pwede po bang makahingi ng example ng slogan?

Speak Your Mind

*