Flood Mitigation Project at Clean Up Drive, sinimulan na sa Dagupan

Upang maiwasan ang mga pag-baha sa pagpasok ng tag-ulan, nagsimula na ang City Disaster and Risk Riduction and Management Council (CDRRMC) sa paglilinis sa mga drainage canal.

Partikular na nilinis sa isinagawang clean up drive ang mga baradong kanal sa Rizal, Revera, at Zamora St. sa Brgy.4 na madalas mabahain.

Ayon kay Ronald de Guzman, hepe ng CDRRMC Dagupan, ang Flood Mitigation Project at Clean Up Drive ay inisyatibo ng City Welfare Office, Office of Civil Defense, CDRRMO at City Waste Management Division para malinisan maging ang mga water ways.

Nilinaw naman ni de Guzman na hindi lang responsilidad ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang paglilinis kundi mismong ng publiko sa pamamagitan ng paglilinis sa kanilang lugar at iwasan ang pagtatapon ng basura nang wala sa lugar.

Speak Your Mind

*