Freedom of the press, malilimitahan na sa pagboycott ni Duterte sa media

Posibleng malimitahan ang Freedom of the Press sa pagboycott ni President-Elect Rodrigo Duterte sa media sa bansa.

Ito, ayon kay Attorney Romulo Macalintal ay dahil magiging mahirap kung ang source lamang ng mga private media ay mga balitaa mula sa government press.

Maaari aniya na hindi na magiging credible ang balita dahil lalabas na kontrolado na ito ng pamahalaan.

Giniit din ni Macalintal na malilimitahan ang private media na busisiin ang mga balitang may kinalaman sa pamahalaan dahil walang access ang mga ito sa pangulo.

Sa kabilang banda, nakikita ni Macalintal na hamon ito sa mga private media na patunayan na kaya nilang gumawa ng paraan para maiparating ang katotohaanan sa publiko.

Naniniwala rin si Macalintal na dapat katuwang ni Duterte ang media sa paghahatid sa bayan ng kaniyang mga programa at ginagawa.

Gayunman, nirerespeto ni Macalintal na pribilehiyo ni Duterte kung nais nitong i-boycott ang media.

Speak Your Mind

*