Gilas Pilipinas, tinalo ang Iran sa kanilang tune-up game

Maganda ang naging laro ng Team Gilas Pilipinas sa tune-up game laban sa Asian Powerhouse na Iran.

Tinalo ng Gilas ang Iran sa iskor na 81-70.

Sa naging laro, nagawang lumamang ng Gilas ng dalawampu’t tatlong puntos sa third quarter ngunit nagawa naman itong mapaliit ng iran sa huling minuto ng laro sa huling quarter.

Nagpakitang Gilas naman ang Naturalized Filipino Player na si Andray Blatche sa laro na gumawa ng 20 points at 11 rebounds.

Dinagdagan pa ito nina Ryan Reyes, Terrence Romeo at Japeth Aguilar na naka-score ng tig-12 points.

Hindi naman naglaro para sa iran ang kanilang star player na si Hamed Haddadi at Samad Nikkhah Bahrami.

Speak Your Mind

*