Gov. Espino, humingi ng paumanhin sa kanyang mga napagalitan sa kapitolyo

Ilang bagong halal na opisyal ng lalawigan ng Pangasinan ang nanumpa sa harap ni outgoing Governor at Congressman Elect Amado T. Espino JR sa Urduja House sa Capitol Ground sa bayan ng Lingayen kahapon ng umaga.

Ito ay kinabibilang ng mga opisyal mula sa bayan ng Sta. Barbara, Agno, Infanta, Sual, Rosales, Labrador, Binalunan, Bani at Pozorrubio na nasa dalawamput pitong konsehal, dalawang alkalde, at apat na bise alkalde.

Kasabay nito, nag-iwan naman ng mensahe at humingi ng paumanhin si Espino sa kanyang mga nakatrabaho sa kapitolyo na kanyang napagalitan dala ng kanyang trabaho.

 

Binigyang diin naman ni Espino na kung mayroon man daw siyang maipagmamalaking iiwang legacy sa kanyang mga nagawa mula sa agricultura, inspractraktura, health service, tourism ito ay ang naibigay niyang respeto, paggalang at  pantay na pagtrato sa mga empleyado ng kapitolyo.

 

Speak Your Mind

*