Hakbang sa paglalabas ng social pensioneer ng DSWD Region 1, mas pinadali

Ipapatupad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 ang tatlong pamamaraan para sa paghahatid ng pension ng mga social pensioneer sa buong rehiyon.

Ayon kay Jaymante Pearl Apilado, Adminstrative Assistant III, DSWD Field office 1, ang pension ng mga 85,185 social pensioneer ay maibibigay na sa pamamagitan ng door to door delivery, cash pay out, at fund transfer o ang paglilipat ng pondo sa Local Government Unit (LGU’S).

Sinabi pa ni Apilado, ito ay isang estratihiya ang kagawaran para nasa takdang oras ang pagbibigay ng pension at upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga senior citizen.

Dagdag naman ng opisyal na umaabot pa sa limamput siyam na lugar sa rehiyong uno na nagsasagawa parin ng nakagawigan cash pay out na kung saan ang mga empleyado ng DSWD Field Office 1 ang pupunta sa mga munisipyo o syudad para sila mismo ang maghahatid ng mga pension ng mga social pensioneer.

Speak Your Mind

*