Hillary Clinton, wagi sa Washington D.C Primary

Wagi si Presumptive Democratic Nominee Hillary Clinton sa katatapos lamang na Washington D.C Primary.

Ayon sa Democratic Presidential Preference, nakakuha si Clinton ng 75.74 percent habang ang katungali naman nito na si Senator Bernie Sanders ay nakakuha lamang ng 19.13  percent.

Malaking tulong umano sa pagkakapanalo ni Clinton ang pag-endorso sakanya ni U.S President Barack Obama bilang susunod na pangulo ng Amerika.

Samantala, nakatakda namang mag-usap sina Clinton at Sanders para sa kanilang kandidatura.

Sa ngayon, wala pang plano si Sanders na i-atras ang kanyang kandidatura para sa pagkapangulo ng Amerika.

Speak Your Mind

*