Hinihinalang biktima ng summary execution, iniimbestigahan ng PNP Pangasinan

Ipinapatupad lang ng Philippine National Police o PNP Personnel Operative na nagsasagawa iligal drugs operation ang kanilang trabaho para masugpo ang iligal na droga sa kumunidad.

Ito ang dahilan kaya umano tumaas ang bilang ng mga napapatay na suspek na may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay P/Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, Public Information Officer ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO), hindi maiwasan na mauwi sa engkuwentro ang paghuli sa mga kriminal dahil paglaban ng mga suspek.

Pero dahil aniya sa kasanayan ng hanay ng kapulisan, nagreresulta ito sa pagkamatay ng mga suspek.

Sinabi naman ni de Asis, na pinag-aaralan at iniimbestigahan na ng pulisya ang naitalang ilang pagpatay sa lalawigan na umanoy hinihinalang biktima ng summary execution.

 

Ang tinig ni P/Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, Public Information Officer ng Pangasinan Provincial Police Office.

Speak Your Mind

*