Iba’t ibang programa para sa “Araw ng Kalayaan”, pinaplansya na

Pinaplansya na ang iba’t ibang programa para sa araw ng kalayaan sa linggo, Hunyo a-dose.

Puspusan na ang pagsasanay ng ilang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang inihandang programa.

Bahagi rin ng kanilang rehearsal ang pagpapalipad ng mga eroplano.

Sa linggo, inaasahang pangungunahan ni pangulong noynoy aquino ang flag ceremony at wreath laying sa Rizal Park.

Maliban sa Maynila, sabay-sabay ding magdaraos ng flag raising sa Barasoain Church sa Bulacan, Aguinaldo Shrine sa Cavite at Bonifacio Monument sa Caloocan.

Speak Your Mind

*