Ilang consumer ng Maynilad, mawawalan ng supply ng tubig ngayong araw

Makakaranas naman ngayong araw ng water interruption ang ilang consumer ng Maynilad.

Sa kanilang advisory, magsisimula mamayang alas-otso ng umaga na mawalan ng supply ng tubig ang malaking bahagi ng Valenzuela City, North Area ng Quezon City at Caloocan City.

Kabilang din sa mawawalan ng supply ng tubig ang Meycauayan at Obando Water District na inaasahang magtatagal naman hanggang alas-otso ng gabi.

Ayon sa Maynilad, magsasagawa sila ng service improvement activities para mas maging maayos ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.

Maaari namang bisitahin ang website ng maynilad para sa mga listahan ng barangay na apektado ng water interruption na tatagal ng labing dalawang oras.

Speak Your Mind

*