Ina ng batang nahulog sa kulungan ng gorilya sa Gorilla, hindi kakasuhan

Pinawalang-sala ng Hamilton County Prosecutor ang magulang ng tatlong taong gulang na bata na nahulog sa kulungan ng Gorilla sa Cincinnati Zoo.

Matatandaang ipinanawagan via on-line na papanagutin ang magulang dahil sa pagpapabaya nito sa kanyang anak na naging dahilan ng sapilitang pagpatay sa gorilyang si Harambe.

Sa video ng maganap ang naturang insidente, makikitang hila-hila ng Gorilya ang tatlong taong gulang bata.

Dahil sa takot na mapahamak ang buhay ng bata, pinili ng security ng zoo na barilin na lamang si Harambe para mailigtas ang bata.

Suwerte naman ang bata na hindi nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Speak Your Mind

*